^

PSN Palaro

PSC, POC dapat tutukan ang mga sports kung saan malakas ang Pinoy

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gusto ng Malacañang na tutukan ng mga sports offi­cials ang mga sports events kung saan malaki ang po­tensyal ng bansa na manalong gintong medalya

Ito ang sinabi kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. sa panayam ng radio station dxRB.

“Ang paniwala po ng ating Pangulo diyan ay maaari naman siguro tayong mag-focus ng resources doon sa ilang sports na mayroon talagang competitive advantage ang mga Pilipino at maaaring magpakita ng kahusayan,” wika ni Coloma.

Tumapos ang Pilipinas sa No. 22 sa kabuuang 45 ban­sang sumabak sa Incheon Asiad na pinagharian ng China.

Kabuuang 1 gold, 3 silvers at 11 bronze medals ang nakolekta ng mga Pinoy athletes sa naturang quadrennial event.

Noong 2012 ay humirang ang Philippine Olympic Com­mittee at ang Philippine Sports Commission ng 12 sports sa kanilang priority list mula sa direct order ni Presidente Benigno Aquino III.

Ang mga sports na inilagay sa priority program ay ang boxing, taekwondo, athletics, swimming, wushu, archery, wrestling, bowling, weightlifting at billiards.

Bagama’t kinastigo ni Coloma ang PSC dahil sa nakakadismayang kampanya ng bansa sa Incheon Asiad ay ang mga National Sports Associations (NSAs) ang siyang nagsasanay at naghahanda sa mga atleta.

Sa ilalim ng Republic Act 6847 na nagtatag sa PSC noong 1990, ang trabaho lamang ng sports agency ay ang magpondo sa mga NSA para sa  SEA Games, Asian Games at sa Olympic Games.

Sinabi ni Coloma na dapat pang magtrabaho nang husto ang PSC para sa susunod na mga event.

“Siguro ay malinaw naman ang pagpapahiwatig niyan na marami pa ang dapat gawin ng ating Philippine Sports Commission para mapahusay ang performance ng ating mga manlalaro,” ani Coloma. 

ASIAN GAMES

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA

INCHEON ASIAD

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

OLYMPIC GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with