^

PSN Palaro

Chiefs asam ang top 2

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan City)

10:30 a.m. SSC

vs Perpetual (jrs/srs)

2:30 p.m. San Beda

vs Arellano (srs/jrs)

 

MANILA, Philippines - Angkinin ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ ad­­vantage ang hangad ng Arellano University, habang ang playoff para sa huling upuan sa Final Four ang puntirya ng Perpetual Help sa pagpapatuloy ng 90th NCAA men’s basketball tour­nament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang ika-13 panalo ang makukuha ng Chiefs sakaling manalo laban sa four-time defending champions na San Beda Red Lions sa tagisang magsisimula sa alas-2:30 ng hapon.

Sapat na ito para sama­han ang Red Lions na may mahalagang ‘twice-to-beat’ incentive sa semifinals dahil wala ng ibang koponan ang aabot sa 13 panalo.

Ang Altas ay masusu­katan naman sa San Se­bas­tian Stags sa ganap na alas-12:30 ng tanghali at puntirya ang ika-12 panalo para sa playoff berth.

Kasalo ngayon ng Per­petual ang host Jose Rizal Uni­versity na walang hirap na kinuha ang ika-11 panalo sa 17 laban dahil hindi nakabuo ng limang manlalaro ang Mapua Cardinals sa kanilang tagisan ka­hapon.

Umangat naman ang Letran Knights sa 8-9 ba­raha matapos ang 77-52 pag­durog sa Lyceum Pirates sa ikalawang laro.

Sina Ford Ruaya at Mark Cruz ay natumpok ng 19 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa tagumpay ng Knights na wala pa rin ang head coach na si Caloy Garcia.

Sinisilbihan ni Garcia ang kanyang ikalawang sus­pensyon na ipinataw sa kanya ng NCAA matapos ang pagpapatalsik sa kanya sa laro dahil sa double technical foul sa kanilang laro laban sa Chiefs noong Setyembre 24.

Hindi rin nakasama ng Knights si forward Kevin Ra­cal na nagpaopera ng tu­hod dahil sa kanyang ACL injury.  (ATan)

vuukle comment

ANG ALTAS

ARELLANO UNIVERSITY

CALOY GARCIA

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNI

KEVIN RA

LARO NGAYON

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with