^

PSN Palaro

Suarez naisuko ang gold medal sa Mongolian fighter

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, KOREA -- Sinamang-palad ang nalala­bing pag-asa ng Pilipinas na ma­kadagdag ng isa pang gin­tong medalya matapos mabigo si Charly Suarez sa finals sa pagtatapos ng boxing competition sa 17th Asian Games sa Seonghak Gymnasium kahapon dito.

Hindi nasustinahan ng 26-anyos na si Suarez, ang Myanmar SEA Games gold me­dalist, ang magandang si­mula sa first round para lasapin ang 2-1 kabiguan sa mga kamay ng Mongo­lian na si Otogondalain Dorn­yambuu sa 60kg men’s light­weight category.

“Talo ako. Ginawa ko ang lahat ngunit hindi sapat ‘yung effort ko. Masaya na ako sa silver. Mas lalo sa­­nang masaya kung gold ang nakuha ko,” pahayag ni Suarez,  tinalo ang Mongolian boxer nang magharap sil­a sa World President Cup Bo­xing sa Kazakhstan.

Sa kabila ng pagkakaro­on ng gasgas sa ibaba ng kanang mata, nagawa ng boksingerong tubong Da­vao na dominahin ang first round, pero bahagyang nag­bago ang timpla ng ga­law at suntok ni Suarez nang hindi makasabay sa ra­pidong atake ng Mongolian na angat sa taas at haba ng kamay.

“Mabuti nakuha ko (gasgas sa ibaba ng kanang ma­ta) ito sa finals at hindi sa umpisa ng laro. Sinabayan ko siya at lumaban ako nang pukpukan. Iyon nga lang hin­di ako pinalad,” wika pa ni Suarez.

Si Suarez ay tatanggap ng P500,000 para sa kanyang silver medal, habang ang tatlo pang boxers na si­na London Olympian Mark An­thony Barriga, Mario Fernandez at Wilfredo Lopez ay tatanggap ng P100,000 pa­ra sa bronze medals.

ASIAN GAMES

CHARLY SUAREZ

LONDON OLYMPIAN MARK AN

MARIO FERNANDEZ

OTOGONDALAIN DORN

SEONGHAK GYMNASIUM

SHY

SI SUAREZ

SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with