Bacoor Mini-Olympics naging matagumpay
BACOOR CITY, Philippines -- Binigyan ng parangal ni Mayor Strike Revilla ang mga nanalo sa ginanap na Bacoor Mini-Olympic Revilla Cup 2014 kamakailan.
Ayon kay Mayor Revilla, ang mga nanalo sa Mini-Olympics, bahagi ng 343rd Bakood Day, ay sina Arvin Jay del Rosario (darts), Carlos Real, Jr. (men’s chess), Bituin Braza (women’s chess), Lodgene Asuncion (men’s table tennis), Devin Abella (women’s table tennis), Austin Aquino (men’s billiards) at Lilibeth Garcia (women’s billiards).
Ang nagkampeon naman sa bowling ay ang City Employees team, habang namayani sa men’s badminton doubles sina Jay at Joseph ng City Hall employees team.
Ang Fedbango team ang naghari sa men’s volleyball at ang DILG family team ang nagwagi sa women’s volleyball.
Ginanap ang awarding ceremony sa Bacoor Coliseum para sa mga nagwagi sa Mini-Olympic noong Setyembre 29 na kasabay ng ‘Bakood Day’ kung saan mismong si Mayor Strike at maybahay nitong si Ms. Chaye Cabal-Revilla ang nagbigay ng mga tropeo at medalya.
- Latest