Thais, Japanese sa V-League
MANILA, Philippines - Dalawang Thai players at isang top setter mula sa Japan ang paparada sa darating na Shakey’s V-League Season 11 Third Conference na pakakawalan sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.
Magbabalik si Wanida Kotruang, naglaro para sa Smart sa nakaraang season, sa pagkampanya sa Meralco sa four-team event na isasabay sa men’s championship na may apat ding koponan.
Maglalaro rin si Misao Tanyama, miyembro ng Japan national team, para sa Meralco, habang ang Thai ace namang si Kesinee Lithawat ang gagabay sa PLDT sa season-ending conference ng liga na itinataguyod ng Shakey’s.
Dati ring naglaro si Tanyama para sa Philippine club team na sumabak sa Asian Volleyball Confederation Women’s Club Championship sa Thailand, habang si Lithawat ang gumiya sa Ateneo para sa unang V-League crown sa Season 8.
Ipaparada naman ng Cagayan Valley ang mga local players na sina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero, Gyzelle Sy, Pau Soriano at Shiela Pineda.
- Latest