^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas lalaban para sa pang-pitong puwesto

BRepizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea – Isa­santabi ng Gilas Pilipinas ang anumang sakit ng kata­wan at iba pang nararamda­man para maisalba ang ka­nilang puri sa pagtatapos ng men’s basketball competition sa Asian Games nga­yon sa Hwaseong Sports Com­plex dito.

Sa ganap na alas-2:15 ng hapon (Manila time) mag­­sisimula ang bakbakan at habol ng koponan ang ma­­kuha ang ika-pitong pu­westo sa kompetisyon.

Nalagay ang Pilipinas sa pinakamasamang pagta­tapos sa kasaysayan ng pag­sali sa Asian Games basketball nang lasapin ang 78-71 pagkatalo sa na­­patalsik na kampeong Chi­na kamakalawa.

Ang dating pinakamasa­mang pagtatapos ng kopo­nan ay ikaa­nim na puwes­to na dala­wang beses nangya­ri noong 1966 sa Bangkok, Thailand at noong 2010 sa Guangzhou, China.

Si naturalized center Mar­cus Douthit ay mu­ling ma­kakatuwang nina Ra­ni­del De Ocampo, LA Te­no­rio, Jeff Chan at Gabe Nor­­wood para lisanin ang kom­­petisyon bitbit ang pa­na­lo.

ASIAN GAMES

DE OCAMPO

DOUTHIT

GABE NOR

GILAS PILIPINAS

GUANGZHOU

HWASEONG SPORTS COM

JEFF CHAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with