^

PSN Palaro

Fernandez at Barriga umentra sa semis

BRMeraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea – Tu­miyak si bantamweight Ma­rio Fernandez ng bronze medal matapos do­­minahin si Shiva Thapa ng India, 3-0, sa men's bo­xing competition ng 17th Asian Games kahapon sa Seohak Gymnasium dito.

Solidong mga suntok ang naikonekta ng 21-an­yos na si Fernandez, ang 2013 Southeast Asian Games gold medalist, kay Tha­pa para makipagkita kay Zhang Jiawei ng China sa semifinal round.

Hindi umubra ang atake ng 20-anyos na si Thapa, ang bantamweight winner no­ong 2013 Asian championships sa Amman, Jordan, matapos tumanggap si Fernandez ng mga iskor na 30-27, 29-28, 30-27 pa­ra sa kanyang unanimous decision victory.

Nagtala naman ang 25-anyos na si Zhang, ang silver medalist noong 2010 Asian Games sa Guangzhou, China, ng 3-0 panalo kontra kay Omurbek Malabekov ng Uzbekistan.

Maglalaban sina Fer­nan­dez at Zhang sa semifi­nals bukas kasabay ng upa­­kan nina lightweight Char­ly Suarez at Obada Mo­hammad Mustafa Alkabesh ng Jordan.

Nagposte rin ng pana­lo si light flyweight Mark An­thony Barriga laban kay Ha­sanboy Dusmatovov ng Uzbekistan, 3-0, papasok sa semis para makatiyak ng bronze medal.

Susubukan naman ni­na middleweight Wilfredo Lo­­pez na makaabante sa se­mis.

Lalabanan ng 29-anyos na si Lopez, tinalo si Iraqi Ab­dulridha Waheed noong Lu­nes, si Shinebayar Nar­man­dakh ng Mongolia sa quar­terfinals.

ASIAN GAMES

FERNANDEZ

IRAQI AB

MARK AN

MUSTAFA ALKABESH

OBADA MO

OMURBEK MALABEKOV

SEOHAK GYMNASIUM

SHINEBAYAR NAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with