^

PSN Palaro

Back-to-back wins asam ng Stags

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magpapataas ng kumpiyansa ang San Sebastian Stags sa puntiryang panalo sa Emilio Aguinaldo College Ge­nerals sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay magsisimula sa ganap na alas-5 ng ha­pon at nag-iisang seniors game dahil hindi na lalaruin ang dapat ay unang labanan sa pagitan ng Mapua Cardinals at Letran Knights.

Nakatakda ito sa ganap na alas-11 ng umaga pero hin­di makakabuo ng limang manlalaro ang Cardinals pa­ra i-forfeit ang laro.

Apat na manlalaro lamang ang nasa Cardinals ma­tapos patawan ng suspension ang walong players na sumuong sa free-for-all sa laro kontra sa Generals.

Nakabalik na sa EAC mula sa one-game suspension si Faustine Pascual para makasama sina Jozhua Ge­­neral, Jerald Serrano, Christ Mejos at Ai Indin para ma­tuloy ng Generals ang laban.

Kailangan lamang na walang ma-foul out sa Generals para hindi kaagad na matapos ang laro.

Galing ang Stags sa 82-66 panalo laban sa Lyceum Pirates upang wakasan ang 10-game losing streak.

Asahan na magseseryoso ang San Sebastian para ma­kuha ang panalo na magagamit para mapataas ang morale sa pagbangga sa mga Final Four contenders na Perpetual Help Altas at host Jose Rizal University Heavy Bombers sa kanilang huling dalawang laro.

AI INDIN

CHRIST MEJOS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GE

FAUSTINE PASCUAL

FINAL FOUR

JERALD SERRANO

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

JOZHUA GE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with