^

PSN Palaro

Gilas, women boxers sibak sa medal round Pinas nalagasan na naman sa Asiad

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea – Kabiguan ng Gilas Pilipinas team na maisalba ang katiting na tsansa na umabante sa men’s basketball na sinabayan pa ng pagkakasibak ng dalawang lady boxers ang mga bagong dagok na hinarap ng Team Philippines sa 17th Asian Games kahapon dito.

Nanalo ang Pambansang koponan laban sa Kazakhs­tan, 67-65, pero kapos ito ng siyam na puntos para maabot ang dapat na 11-point winning margin para makakuha ng pinakamagandang quotient kung magkakaroon ng triple-tie sa hanay ng Pilipinas, Kazakhstan at Qatar sa ikalawang puwesto sa grupo sa magkakatulad nilang 1-3 karta.

Bago ito ay inasahan ang Gilas Pilipinas na puwe­deng makapaghatid ng medalya, kasama rito ang ginto, ma­tapos ang pangalawang puwestong pagtatapos sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championship na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nauna rito ay ang hindi inaasahang pagkatalo ng da­lawang pambato ng bansa sa women’s boxing para mai­wan na lamang sa kamay ng  apat na male boxers ang pag­hahatid ng mailap na gintong medalya.

Hindi nakapag-adjust ang World champion sa flyweight na si Josie Gabuco sa larong ipinakita ni Le Thi Bang ng Vietnam na inangkin ang 40-36, 40-36, 39-37 panalo sa quarterfinals.

Sumunod na namaalam si lightweight Nesthy Petecio na hindi umubra sa mahusay na si Junhua Yin ng China, 39-37, 40-36, 39-37.

Papasok ang kompetisyon sa huling anim na araw at ang Pilipinas ay mayroon pa lamang naibubulsang da­la­wang silver at dalawang bronze medals sa pinakailalim ng na­ngungunang China (101-61-45), Korea (41-45-44) at Ja­pan (32-44-44).

Sina Daniel Parantac at Jean Claude Saclag ang su­mungkit ng dalawang pilak at si Francisco Solis ang na­kapaghatid ng tansong medalya.

Ang isa pang bronze ay galing kay archer Paul Marton dela Cruz sa men’s individual compound event.

Maningning namang binuksan ng equestrian riders ang kanilang kampanya nang tatlo sa apat na riders ang umen­tra sa finals ng individual event ng equestrian.

Lumapag sina Martin Diego Lorenzo Jr. at Marie Anto­nette Leviste sa ika-15 puwesto sa individual jumping event, habang tumapos ng ika-20 si Joker Arroyo na nagbigay ng pag-asa sa kampanya ng Pilipinas para sa inaasam na unang medalyang ginto.

Ang tagumpay ng tatlong nabanggit ay nabahiran ng lungkot nang masibak si Mateo Rafael Lorenzo na nakuntento lang sa 31st place.

Tig-tatlong riders lamang bawat bansa ang kukunin para lumaban sa finals.

Posible pang madagdagan ang medalya ng equestrian nang umentra rin sa finals ang grupo nina Leviste, Arroyo at magkapatid na Lorenzo sa finals makaraang tumapos na ika-lima sa jumping team event.

Dalawa pang siklista ng bansa ang uuwing luhaan ma­tapos masibak  sa cycling event.

Ito ay sina Ronald Oranza na tumawid ng finish line na ika-13 sa men’s road race event sa itinalang 4:10.47 ti­yempo, habang nagsumite naman si Mark John Ga­ledo ng 4:17.10 oras para sa 33rd place.

Nalagay sa alanganin ang kampanya ng Blu Girls ma­tapos lasapin ang 2-8 kabiguan sa mga kamay ng China sa women’s softball preliminary round.

Bigo ring umusad sa final round si Hermie Macaranas sa canoe single (C1) 1,000m men semifinals 1.

ASIA MEN

ASIAN GAMES

BLU GIRLS

FRANCISCO SOLIS

GILAS PILIPINAS

HERMIE MACARANAS

JEAN CLAUDE SACLAG

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with