^

PSN Palaro

Orcollo at Corteza puntirya ang semis berth sa World Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kailangang ilabas na nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza ng Pilipinas ang kanilang pamatay na laro sa 2014 World Cup of Pool sa Mount­batten Centre sa Ports­mouth, Great Britain.

Matapos ang magkasu­nod na 7-5 panalo sa Chile at France ay sunod na ma­kakalaro nina Orcollo at Corteza sina Mika Immo­nen at Petri Makkonen ng Fin­land para sa puwesto sa se­mifinal round.

Sina Immonen at Mak­ko­­nen, magbabalak na ku­­­nin ang ikalawang titulo ma­­­tapos dominahin ang 2012 edisyon sa Finland, ay na­kitaan ng ibayong hu­say matapos pabagsakin si­na Karol Skowerski at Ma­teusz Sniegock ng Poland, 7-0, sa round-of-16.

Ito ang ikalawang shut­out win sa race-to-seven ng Finland matapos paluhurin ang Korea sa unang round sa 32-koponang kompetisyon.

“We haven’t been tes­ted yet,” wika ni Immonen. “Philippines are capable of switching gears at any time and we will have to match that level.”

Ang mananalo sa la­rong ito ay papasok sa se­mifinals kalaban ang ma­­nanaig sa pagitan nina Dar­ren Appleton at Kayle Boyes ng England A at Earl Strickland at Shane Van Boe­ning ng USA.

Sina Appleton at Boyes na lamang ang panlaban ng host country dahil nasi­bak ang England B nina Daryl Peach at Chris Me­lling sa tambalan nina Wang Can at Dang Jinhu, 7-0, ng China. (ATan)

CHRIS ME

DANG JINHU

DARYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

EARL STRICKLAND

ENGLAND A

ENGLAND B

GREAT BRITAIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with