^

PSN Palaro

Floyd inasar na naman si Manny

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang araw matapos sa­bihin ni Manny Pacquiao na sad­yang ayaw siyang laba­nan ni Floyd Mayweather, Jr. ay muling ginamit ng Ame­rican fighter ang social media para tirahin ang Fi­li­pino world eight-division champion.

Sa kanyang pinaka­ba­­gong Twitter at Insta­gram post, inilagay ni May­­wea­ther ang tatlong lit­rato ni Pac­quiao ma­tapos ma­pa­bag­sak ni Juan Ma­nuel Mar­­quez sa kanilang ika­apat na banggaan noong 2012.

Tatlong larawan ng pagtumba ni Pacquiao mula sa right hand straight ni Mar­quez ang ipinakita ni May­wea­ther sa kanyang Twitter at Instagram post.

Binanggit din ng 37-an­yos na si Mayweather ang problema ng 35-anyos na si Pacquiao sa kanyang po­­pularidad at isyu sa buwis sa Pilipinas at maging sa United States.

 “My new boxing DVD is coming soon and is called ‘3 Ways to Sleep’. Back, Face and Butt and I’m Fal­ling & I Can’t Get Up. Miss Pac Man is broke and desperate for a pay day. Your Pay-Per-View numbers are a joke,” isi­nulat ni Mayweather sa kanyang post.

Kamakailan ay sinabi ni Pacquiao sa kanyang Twit­ter account na walang pla­no si Mayweather na la­banan siya dahil sa pagsisinungaling na ginawa nito nang makausap ng Neva­da State Athletic Commission.

Nauna nang idineklara ng World Boxing Council ang kanilang suporta para sa megabuck bout nina Pac­quiao at Mayweather.

Maski si chief trainer Fred­die Roach ay nanawagan sa dalawang boxing broad­casters na HBO at Show­time na magkasundo para maplantsa ang nasabing laban na tatlong beses nang nadidiskaril dahil sa ilang isyu nina Pacquiao at Mayweather. (Russell Cadayona)

 

FACE AND BUTT AND I

FLOYD MAYWEATHER

GET UP

I CAN

JUAN MA

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with