^

PSN Palaro

Dela Cruz tumudla ng tansong medalya

Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea -- Hindi uuwing luhaan ang men’s compound archery team sa Asian Games.

Ito ang tiniyak ni Paul Mar­ton Dela Cruz nang ku­nin ang bronze medal sa in­dividual event mula sa kanyang 140-139 panalo kay Muhammad Zaki Bin Mahazan ng Malaysia sa ar­chery event sa Gyeyang Asiad Archery Field dito.

Nakalamang ng isang arrow si Dela Cruz at kanya itong napanatili nang tapatan ang 28 puntos na gina­wa ng Malaysian archer sa huling tatlong arrows para sa ikalawang bronze medal at pang-apat sa kabuuan ng Pilipinas.

Matatandaan na naghatid ang mga wushu bets ng unang tatlong medalya kung saan sina Jean Claude Saclag at Daniel Parantac ay nagbigay ng silver at bronze medal naman si Fran­cisco Solis.

Umabante sa finals ang 28-anyos na si Dela Cruz nang igupo sina Ahmed Ab­dulla Alabadi ng Qatar, kababayang si Earl Benjamin Yan at Sandeep Kumar ng India para pumasok sa semis. (BRepizo-Meraña)

 

AHMED AB

ASIAN GAMES

DANIEL PARANTAC

DELA CRUZ

EARL BENJAMIN YAN

GYEYANG ASIAD ARCHERY FIELD

JEAN CLAUDE SACLAG

MUHAMMAD ZAKI BIN MAHAZAN

PAUL MAR

SANDEEP KUMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with