Nationals giba sa Qatar ‘must win’ sa huling 2 laro
INCHEON, South Korea -- Nag-aagaw-buhay ngayon ang pinaniniwalaang palaban sa gintong medalyang Gilas Pilipinas nang pabagsakin sila ng Qatar, 77-68, sa pagsisimula ng quarterfinals ng men’s basketball competition sa 17th Asian Games sa Hwaseong Sports Complex dito kagabi.
Kumamada si Mohd Yousuf Mohamed ng 19 points at hindi siya sumablay sa tatlong triples na pinakawalan sa ikatlong yugto para pasiklabin ang 15-0 bomba na tuluyang nagbigay ng momentum sa Qatar team.
“I’m gonna ask Marcus if he doesn’t wanna play we’ll go all-Filipino. If he wants to go home he can go home,” wika ni Gilas coach Chot Reyes sa matamlay na laro ni Marcus Douthit. “I don’t think it was an issue of fatigue. I think it was more of an issue of desire.”
Binalikat ni Jimmy Alapag ang Gilas Pilipinas sa kanyang 15 points tampok ang pitong triples.
Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Gilas matapos ang 63-68 pagyukod sa Iran sa pagtatapos ng preliminary round.
Nakatakdang labanan ng Gilas Pilipinas ang Korea ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang Kazakhstan bukas ng alas-3:15 para sa mga krusyal nilang laro.
Nagbida si Mohamed sa paglayo ng Qatar sa 51-39 bago nakalapit ang Pilipinas sa 59-63 agwat. (Beth Repizo-Meraña)
Qatar 77 -- Mohamed 19, Watson 15, Daoud 11, Ali Saeed 10, Abdi Khalid 8, Mohamed Mohamed 5, Elhadary 4, Mohamed B., 3, Abdulla 2, Salem 0, Al Darwish 0.
Gilas 68 -- Alapag 15, Douthit 10, Lee 9, Pingris 9, Chan 7, Tenorio 5, David 4, Dellinger 3, Fajardo 2, Norwood 2, Aguilar 0.
Quarterscores: 19-19; 39-36; 56-51; 77-68.
- Latest