Pinas posibleng makamedalya sa archery
INCHEON, South Korea -- Namuro ang men’s archery team na makakuha ng medalya, habang nagpatuloy ang magandang laban ng mga boksingero sa 17th Asian Games dito.
Ang tambalan nina Paul Marlon dela Cruz, Earl Benjamin Yap at Ian Chipeco ay umusad sa semifinals sa men’s compound team pero lumasap ng masakit na 227-228 pagkatalo sa host Korean.
May tsansa ang grupo na magbigyan ng bronze medal ang bansa sa pagharap sa Iran sa Huwebes.
May posibilidad na makapagbigay ng pangalawang medalya, kasama ang gintong medalya, si Dela Cruz dahil umabante siya sa semifinals sa individual event.
Tinalo ng 28-anyos na si Dela Cruz, beterano ng 2007 World Championship’s at 2012 at 2013 World Cup, si Sandeep Kumar ng India, 141-135, para pumasok sa semifinals na ilalaro sa Sabado.
Katapat ni dela Cruz, unang pinabagsak sina Ahmed Abdulla Alabadi ng Qatar, 141-138 at kababayang si Yap, 141-135, si Esmaeil Ebadi ng Iran para sa puwesto sa finals.
Sina taolo Daniel Parantac at sanda artist Jean Claude Saclag ang naghatid ng silver, habang si Francisco Solis ang nagbigay ng bronze medal.
Malaki pa ang posibilidad na madagdagan ang mga medalyang ito matapos manalo ang dalawang boxers.
Walang epekto ang pagkakabawas ng isang puntos kay Ian Clark Bautista at inangkin ang tatlong rounds kontra kay Abdallah Maher Mohammad Shamon ng Jordan, 3-0, sa flyweight division.
Sinundan ito ng 2-1 panalo ni Wilfredo Lopez kay Aziz Achilov ng Turkmenistan sa middleweight division.
Tinalo naman ni light flyweight Mark Anthony Barriga si Hussin Al Masri ng Syria, 2-1.
Una nang umabante sina Mario Fernandez at Charly Suarez.
- Latest