Huling pangkat ng mga atleta magdadatingan sa Incheon
INCHEON, South Korea -- Magsisidating na ang huling pangkat ng Pambansang atleta na siyang aasahan para makakuha ng medalyang ginto dito sa Asian Games.
Kasama sa mga inaasahang darating bukas ay ang matitikas na atleta ng taekwondo.
Kumpletong delegasyon ang lahok ng Philippine Taekwondo Association at ang mga kasama ay sina John Paul Lizardo, Francis Agojo, Christian Al Dela Cruz, Kristopher Robert Uy, Samuel Thomas Morrison, Pauline Louise Lopez, Jane Rafaelle Narra, Levita Ronna Ilao, Kirstie Elaine Alora, Nicole Abigail Cham at Mary Anjelay Pelaez.
Unang lalapag ngayon ang soft tennis team na binubuo nina Jhomar Arcilla, Joseph Arcilla at Noelle Conchita Zoleta, habang ang rugby team na binubuo nina Justin Coveney, Gareth Leslie Holgate, Matt Donato Saunders, Andrew James Wolff, Michael Lauence Letts, Alexander Vincent Aronson, Jake Gerald Letts, Kenneth Mithcell Stern, Oliver Jpseh Saunders, Chris Hitch, Benjamin Joshua at James ColinPrince ay sasabay bukas.
Ang huling delegasyon na darating ay ang mga karatekas sa Lunes na sina Ramon Antonio Franco, Orencio James Virgil delos Santos, Gay Mabel Arevalo, Princess Diane Sicangco, Mae Soriano at Joanna Mae Ylanan.
- Latest