^

PSN Palaro

Chiefs dumiga ng playoff berth

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

9 a.m. Perpetual Help vs EAC (jrs/srs)

1 p.m. San Sebastian vs Lyceum (srs/jrs)

 

MANILA, Philippines - Nagtulung-tulong ang mga inasahang manlalaro ng Arellano University para kunin ang playoff sa Final Four ng 90th NCAA men’s basketball tournament matapos pitasin ang 79-70 panalo laban sa Letran College sa The Arena sa San Juan City.

Sina John Pinto, Keith Agovida, Jiovani Jalalon at Dioncee Holts ang nagbida sa 12-4 record ng Chiefs.

Nagsanib ang apat na nabanggit na manlalaro sa 51 puntos at ang Chiefs ay humataw nang husto sa huling yugto para talunin ang sibak nang Knights (6-9).

Sinandalan naman ng St. Benilde ang kaba­ya­nihan nina Paulo Taja at Mark Romero sa endgame para kunin ang 71-69 panalo kontra sa Jose Rizal.

Si Taja ay tumapos taglay ang 16 puntos at 10 rebounds at ang kanyang split sa 15-foot line ang nagbigay ng 71-69 kalamangan sa Blazers.

Nasa Heavy Bombers ang bola sa huling 3.8 segun­do pero ang atake ni Michael Mabulac ay tumama la­mang sa bunganga ng ring.

Tumapos si Romero na may 14 puntos kasunod ang 10 ni Luis Sinco para sa 10-5 baraha ng Blazers.

ARELLANO UNIVERSITY

DIONCEE HOLTS

FINAL FOUR

JIOVANI JALALON

JOSE RIZAL

KEITH AGOVIDA

LARO BUKAS

LETRAN COLLEGE

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with