^

PSN Palaro

Orcollo, Corteza tumumbok ng panalo sa World Cup

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binuksan nina Dennis Or­collo at Lee Van Corte­za ang makasaysayang kam­­panya ng Pilipinas sa 2014 World Cup Of Pool sa Mountbatten Centre sa Portsmouth sa pamama­gitan ng 7-5 panalo laban ki­na Ale­­jandro Carvajal at En­ri­que Rojas ng Chile no­ong Mar­tes.

Hindi binigo ng pam­ban­sang cue-artists ang ma­­laking bilang ng mga Pi­noy na nanood sa panimulang laban para umabante sa second round kalaban si­na Stephan Cohen at Alex Montpelier ng France na pinagbakasyon na sina Fa­bio Petroni at Daniele Cor­rieri ng Italy, 7-4.

Ang second round ay nakatakdang isargo nga­yong ga­bi.

May 32 koponan mula sa 31 bansa ang kasali sa kompetisyon at sina Orcollo at Corteza ay magtatangka na maging kauna-unahang tam­balan na nakapagdepensa ng titulo sa torneong si­nimulan noong 2006.

Lumayo na ang Pilipinas sa 5-2 pero kinailangan pa nina Orcollo at Corteza ang dry break ni Rojas sa 12th game para makuha ang panalo sa race-to-se­ven na tagisan.

Ipinanalangin ng dalawang pambato ng bansa na hindi mawawala ang su­por­ta ng Filipino community lalo pa’t mabigat lahat ang mga kasali sa torneo.

Isa na sa nagpasiklab ay sina Mika Immonen at Petri Makkonen ng Finland na binokya sina Jeong Young Hwa at Ha Minuk ng Korea,  7-0.

Ang iba pang nanalo ay ang Russia sa Japan, 7-6, Greece sa Indonesia, 7-6, at Austria sa Portugal, 7-2.

ALEX MONTPELIER

CORTEZA

DANIELE COR

DENNIS OR

HA MINUK

JEONG YOUNG HWA

LEE VAN CORTE

MIKA IMMONEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with