^

PSN Palaro

Saclag nadiskaril sa gold medal

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea -- Nabigo si Jean Claude Saclag sa hangaring bigyan ng kauna-unahang gintong medalya ang Pilipinas nang lu­masap ng 0-2 pagkatalo kay Hongxing Kong ng China sa pagtatapos ng sanda com­petition sa Ganghwa Dol­mens gymnasium kaha­pon dito.

Ginawa ni Saclag ang la­hat para maipanalo ang la­­ban pero nakuntento na la­mang siya sa silver medal sa men’s -60kg category.

Ito ang ikalawang pilak na medalya ng Pilipinas at ikatlo sa kabu­u­an na lahat ay mula sa wu­shu.

Si Daniel Parantac ay na­kakuha ng silver sa taijiquan event, habang ang sanda player sa men’s -56kg. na si Francisco Solis ay nag-ambag ng bronze me­dal.

Kinapos naman si Divine Wally ng isang pana­lo para sa medal round sa women’s 52kg., habang si Cle­mente Tabugara Jr. ay na­talo agad sa unang laban.

Si Evita Elise Zamora ay hindi naman nakalaro dahil sa inury na tinamo habang nagsasanay sa China.

Ang  pagtatapos na ito ng Pilipinas ay mas maganda kumpara sa isang bronze na naabot ni sanda athlete Mark Eddiva sa men’s 65kg. noong 2010 sa Guangzhou, China.

Ang pinakamagandang pagtatapos ng bansa sa wu­shu ay noong 2006 sa Doha, Qatar nang humakot si Rene Catalan ng gold sa men’s -52kg., habang si Eduard Folayang ay kumu­ha ng silver sa 70kg.

Tatanggap sina Saclag at Pa­ran­tac ng P500,000.00 bilang cash incentive at si So­lis ay may P100,000.00.

DIVINE WALLY

EDUARD FOLAYANG

FRANCISCO SOLIS

GANGHWA DOL

HONGXING KONG

JEAN CLAUDE SACLAG

MARK EDDIVA

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with