^

PSN Palaro

Gilas nirapido ang India sa Asiad

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea -- Impresibong binuk­san ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya pa­ra sa tangkang gintong me­dalya nang malusutan ang India, 85-76, sa men’s basketball com­petition sa 17th Asian Games na ginaganap sa Hwaseong Sports Com­plex dito.

Sinandalan ng Gilas ang mainit na panimula sa pagpapasabog ng 16-0 run na tinampukan ng pag­tirada ni Jeff Chan ng pitong puntos sa first half na na­ging tulay sa panalo ng Pi­noy cagers sa Group E.

Ang panalo ay tumiyak sa tropa ni coach Chot Re­yes ng puwesto sa quarterfinal round kung saan sunod nilang makakabangga ay ang Asian champion na Iran bukas.

Sa kabila ng panalo, ami­nado si Reyes na hindi siya nasiyahan sa takbo ng laro ng Gilas at sinabi nito na naging mahigpit ang la­banan kung hindi lang du­maan sa tatlong sunod na laro ang India.

“I think if they were a lot fresher, if they didn’t play their fourth game in four days, it would have been a much difficult time for us,” wi­­ka ni Reyes sa inilaro ng Na­tionals. “We are hap­py to come out with the vic­tory and hopefully, we could get better.”

Itinala ng Gilas ang ka­nilang pinakamalaking ka­lamangan sa 19 puntos, 43-62, may 4:29 sa oras sa third period kung saan nag­sanib ng puwersa sina L.A. Tenorio at naturalized center Marcus Douthit.

Nagbanta ang India nang makalapit sa Gilas sa walong puntos, 84-76,  matapos magpakawala ng magkakasunod na tres may 3:42 minuto sa laro.

Tumapos si Chan ng 14 puntos mula sa 4-of-10 shooting sa three-point area, habang 14 naman ang ginawa ni Douthit bukod pa sa 10 rebounds.

Bahagyang natigil ang laro sa huling segundo nang ang Indian player na si Singh Pratam ay nadulas at tumama ang ulo sa sahig at siya ay kinakailangang ila­bas sa playing area na na­sa stretcher.

Gilas Pilipinas 85 – Chan 14, Douthit 14, Da­­vid 13, Fajardo 12, Aguilar 10, Tenorio 10, De Ocampo 4, Norwood 3, Lee 2, Dillinger 2, Alapag 1, Pingris 0.

India 76 – Amritpal 16, Amjyot 15, Joginder 13, Bhriguvanshi 13, Pratham 11, Brar 6, Pet­hani 2, Grewal 0,Pari 0, Mishra 0, Sivakumar 0, Yadwinder 0.

Quarterscores: 24-16; 50-37; 70-56; 85-76.

ASIAN GAMES

CHOT RE

DE OCAMPO

DOUTHIT

GILAS PILIPINAS

GROUP E

HWASEONG SPORTS COM

JEFF CHAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with