^

PSN Palaro

RP Blu Girls magpaparada ng 6 Fil-Ams sa Incheon

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea – Ipapakita ng softball team ang kabutihang idi­nu­lot ng tatlong buwang pag­sasanay sa Amerika at gi­nastusan ng Philippine Sports Commission (PSC) ng P4 milyon.

“Handa na ang lahat,” wi­­ka ni coach Ana Santiago na nagkaroon ng 10-game winning streak sa mga tune-up games laban sa mga college teams sa US.

Pinalakas ang line-up ng Blu Girls sa pagpasok ng anim na Fil-Ams para gu­manda ang tsansang ma­nalo ng medalya sa kom­petisyong gagawin sa Songdo LNG baseball sta­dium simula sa Setyem­bre 27.

Hinati sa dalawang gru­po ang labanan at ang Pi­­­lipi­nas ay nakasama sa Ko­rea, Japan, China, Chi­nese-Taipei  at Thailand.

Single round robin ang format at ang Pambansang koponan ay sasalang sa mabigat na double-header sa Setyembre 27 laban sa Korea (11 a.m.) at kontra sa Japan (4:30 p.m.).

Ang China ang katunggali ng koponan sa Set­yem­bre 28 bago isunod  ang Taipei sa Setyembre 29 at ang Thailand sa Set­yembre 30.

Tumapos ang Blu Girls sa ika-limang puwesto no­ong 2010 edisyon at ang pi­nalakas na line-up at in­tensibong pagsasanay ay maaaring magpasok sa ko­ponan sa medal round.

AMERIKA

ANA SANTIAGO

ANG CHINA

BLU GIRLS

FIL-AMS

HANDA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SETYEMBRE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with