^

PSN Palaro

Pilipinas magpipilit makasikwat sa bowling China may 38 medalya agad

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea – Maagang umalagwa ang perrenial overall champion China sa medal race nang makasikwat agad ng ka­buuang 38 medalya sa ika­apat na araw ng kom­pe­tisyon sa 17th Asian Games dito.

Humakot ang mga Tsi­noy ng 6-6-4 sa men’s division at 9-5-8 sa women’s ca­tegory na naglagay sa ka­nila sa unang puwesto.

Mahigpit naman na bu­mu­buntot ang host South Ko­rea na may itinalang 7-7-5 sa men’s at 5-9-5 sa wo­men’s na sinundan ng Ja­pan na may 26 medalya mula sa men’s (5-2-7) at women’s (2-5-4).

Ang China, South Korea at Japan ang tanging tatlong bansa na nakapagtala ng dobleng pigura sa da­lawang linggong kompe­tisyon na tinampukan ng mga atleta mula sa 47 ban­­sa.

Bumabandera naman ang Vietnam sa mga bansa mula sa Southeast Asia sa kanilang pitong ginto at isang pilak kasunod ang Malaysia at Indonesia na kap­wa nakakuha ng tatlong ginto, habang may dalawang ginto ang Myanmar, ang isa galing sa women’s se­pak takraw, at Laos na may isang pilak.

Ang perennial SEA Games champion na Thailand ay wala pang nakakamit na medalya.

Samantala, sisimulan ni Biboy Rivera ang pag­de­depensa sa kanyang men’s title sa bowling event nga­­yong araw sa Anyang Hogye Gymnasium.

Kabuuang 10 gintong me­dalya ang nakataya sa bow­ling.

Bukod sa singles, ang iba pang events na paglalabanan ay sa doubles, trios, team of five at Masters.

Kaugnay nito, handa na si rookie Enrico Lorenzo Her­nandez na maglaro ma­tapos magkaroon ng diarrhea.

Ang iba pang miyembro ng men’s team ay sina Fre­derick Ong, Boshir Layoso, Asiad rookies Jo Mar Ju­ma­pao at Kenneth Chua, ha­bang ang ladies squad ay kinabibilangan nina ve­te­rans Liza del Rosario at Li­za Clutario.

ANG CHINA

ANYANG HOGYE GYMNASIUM

ASIAN GAMES

BIBOY RIVERA

BOSHIR LAYOSO

ENRICO LORENZO HER

JO MAR JU

KENNETH CHUA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with