^

PSN Palaro

2 bronze medals tiyak na sa wushu

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea – Makakasiguro na ang Pilipinas ng dalawang me­dalyang tanso matapos pumasok sina Francis­co Solis at Jean Claude Sac­lag sa semifinals sa Asian Games nang magwagi sa sanda competition ng wu­shu kagabi sa Ganghwa Dol­men’s gymnasium.

Ang 24-anyos na si Solis, beterano ng dalawang World Wushu Championships sa Turkey noong 2011 at Kuala Lumpur, Malaysia noong 2013, ay su­mandal sa kanyang bilis at lakas para sa 2-0 panalo sa 36-anyos na si Ting Hong Wong ng Hong Kong sa men’s 56kg. division.

Nagawa pang itapon sa labas ng mat sa ikalawang round ni Solis si Hong na be­terano ng tatlong Asian Games mula 2006 sa Do­ha at nanalo ng bronze sa 2007 World Championships sa Beijing China.

Bitbit ang inspirasyon sa ipinakita ng kakampi, tinalo ni Saclag si Hendrik Tarigan ng Indone­sia pa­ra pu­masok din sa se­mis sa 60kg. class.

Magkakaroon pa ng pag­­kakataon ang dalawang atleta ng wushu na hi­­gitan ang tiyak na bronze me­dal kung mananalo sa se­mifinals ngayon.

Katipan ni Solis si Fu­xiang Zhao ng China, habang si Saclag ay makaka­tuos si Narender Grewal ng India.

Ang kambal na panalo ang pambawi sa pagkatalo ni Wally Divine sa pambato ng host na si Kim Hyebin, 0-2, sa women’s 52kg.

Puwede pang madag­dagan ang medalya ng 150-pambansang aleta dahil sina Nestor Cordova at Edgar Ilas ay nanguna sa re­pechage sa lightweight men’s double sculls.

Sumagwan sina Cordo­va at Ilas ng 6:40.95 sa 2,000m race para pumasok sa anim na bansang finals.

Sisimulan naman ng Gi­las Pilipinas ang kanilang kampanya para sa inaa­sam na gin­tong medalya sa pagharap sa India nga­yong araw sa Hwaseing Sports Complex Gymnasium.

Ang Pilipinas ay nasa Group E at kaagad ma­su­­­sukat sa matatangkad na manla­laro ng India na ki­­nuha ang 80-61 panalo kon­tra sa Kazakhstan at pa­munuan ang Group B sa pag­­tatapos ng preliminary round kahapon.

“First, we want to scout our rivals and practice. That’s our main concern right now,” pahayag ni Gilas Pi­lipinas’ head coach Chot Reyes.

Samantala, bumandera ang China sa nakolektang 22 gold, 13 silver at 18 bronze medals kasunod ang Korea (14-13-15).

ANG PILIPINAS

ASIAN GAMES

BEIJING CHINA

CHOT REYES

EDGAR ILAS

GANGHWA DOL

GILAS PI

GROUP B

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with