8 gold medals tatargetin ng Phl boxers
INCHEON, South Korea – Handang kunin ng walong National boxers ang lahat ng gintong medalya na itataya sa kompetisyong magbubukas sa Miyerkules sa Seonhak gymnasium.
“Kung kaya ang walo, kukunin namin lahat,” wika ni coach Roel Velasco.
May 13 ginto ang nakataya sa men’s at women’s events na matatapos sa Oktubre 3 at mataas ang kumpiyansa ni Velasco dahil hindi pa nabibigo ang boxing team sa paghahatid ng medalya sa delegasyon sa Asiad.
Noong 2010 sa Guangzhou, China ay humakot ang koponan ng tig-isang ginto, pilak at tansong medalya na naipagkaloob nina flyweight Rey Saludar, woman flyweight Annie Albania at lightweight Victor Saludar.
Ngunit ang mga ito ay wala sa delegasyon ngayong Asiad.
Ang mga ninombrahan ng ABAP para sa medalyang ginto ay sina Mark Anthony Barriga, Mario Fernandez, Charly Suarez, Galvan, Ian Clark Bautista at Wilfredo Lopez sa kalalakihan at sina Josie Gabuco at Nesthy Petecio sa kababaihan.
- Latest