^

PSN Palaro

Tamaraws sinuwag ang No. 2 seat sa Final Four

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang mahalagang 7-0 atake ang ginawa ng Tamaraws sa huling tatlong minuto sa final canto para angkinin ang No. 2 berth kasama ang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.

Tinalo ng Far Eastern University ang nagdedepensang De La Salle University, 65-60, sa kanilang playoff match sa 77th UAAP men’s basketball tournament ka­hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sina guard Mike Tolomia at forward Carl Bryan Cruz ang nagbigay ng puntos para sa Tamaraws, uupong No. 2 tangan ang ‘twice-to-beat’ bonus laban sa No. 3 Green Archers sa Final Four.

Matapos kunin ang 15-12 abante sa first period ay ipinoste ng FEU ang isang 13-point lead, 27-14, sa 6:10 mi­nuto ng second quarter matapos pakawalan ang 12-2 atake.

Sumandal naman ang La Salle kina Jeron Teng, Ar­nold Vosotros at Kib Montalbo para itabla ang laro sa 60-60 sa 3:26 minuto ng final canto.

“It was really hard especially coming off that loss against Ateneo,” sabi ni FEU coach Nash Racela, kai­langan lamang manalo sa La Salle sa Sabado para ma­kapasok sa UAAP Finals sa unang pagkakataon ma­tapos ang tatlong taon.

May 8 points si Teng para sa La Salle mula sa kanyang 2-of-11 fieldgoal shooting. FEU 65 – Tolomia 19, Belo 15, Cruz 7, Pogoy 7, Jose 6, Hargrove 4, Iñigo 4, Dennison 3, Tamsi 0, Lee Yu 0, Escoto 0.

La Salle 60 – Perkins 15, Vosotros 13, Teng 8, N. Torres 8, Van Opstal 7, Montalbo 6, Sargent 3, Rivero 0, Salem 0, T. Torres 0.

Quarterscores: 15-12; 32-24; 53-50; 65-60.

vuukle comment

CARL BRYAN CRUZ

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

JERON TENG

KIB MONTALBO

LA SALLE

LEE YU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with