^

PSN Palaro

May misyon si Tabañag sa Asiad

Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea -- Sa edad na 49-anyos ay nagbabalak si Joan Chan Ta­bañag na makatikim ng kan­yang kauna-unahang me­dalya sa Asian Games.

Kasama si Tabañag sa pitong archers na sasabak sa compound event na gagawin sa kauna-unahang pagkakataon sa Asiad.

Napasok sa national team noon pang 1985 sa edad na 21-anyos, nag­sakripisyo nang malaki si Ta­bañag para maihanda ang sarili dahil kinailangan niyang isuko ang trabaho bi­lang manager ng pasilidad ng Philippine Sports Commission.

Ibinuhos ni Tabañag ang kanyang oras sa pagtuturo sa mga batang archers sa Ma­nila Polo Club, isang desisyon na hindi niya pinagsi­sihan dahil nagagawa rin ni­yang isabay sa pagtutu­ro sa paghahanda para sa In­cheon Asiad.

“I sacrified a lot for these Games. I am here, not for the heck of it but to compete,” wika ni Tabañag na ilang ulit nang nanalo sa SEA Games.

Makakasama niya sa wo­men’s team sina Abbi­gail Tindugan at Amaya Am­paro Co­juangco, habang ang men’s team ay binubuo ni­na Ian Patrick Chipeco, Earl Benjamin Yap, Jose Fer­dinand Adriano at Paul Mar­lon dela Cruz.(makapag-uwi ng medalya. (BRMeraña)

AMAYA AM

ASIAD

ASIAN GAMES

EARL BENJAMIN YAP

IAN PATRICK CHIPECO

JOAN CHAN TA

JOSE FER

SHY

TABA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with