^

PSN Palaro

Wushu artists, tennis players nagposte ng panalo: Colonia nabigo sa medalya

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea -- Mga panalo ng dalawang sanda artists at ng men’s tennis team ang nagbigay sigla sa kampanya ng Pilipinas sa panimulang araw ng kompetisyon sa 17th Asian Games dito.

Nakitaan ng husay sina Jean Claude Saclag (men’s -60kg) at Divine Wally (wo­men’s-52) nang pulbusin ang mga nakalaban sa round-of-32 upang lumapit sa isang hakbang tungo sa medal round sa wushu.

Sa Ganghwa Dolmens Gymnasium ginagawa ang aksyon at si Saclag, isang bronze medalist ng 2013 World Wushu Championships sa Kuala Lumpur, Ma­laysia, ay umiskor ng 2-0 pa­nalo kay Lin Tun Kyaw ng Myanmar, habang si Wally, bronze medalist sa 2013 Myanmar SEA Games, ay nanaig naman kay Ho Yee Chao ng Hong Kong.

Impresibo rin ang pani­mula ng men’s netters nang umukit ng 3-0 panalo sa Mongolia na pinaglabanan sa Yeorumul Tennis Courts.

Hindi nakatikim ng isang set loss ang tatlong pamba­to ng bansa at sina Ruben Gonzales Jr. at Patrick John Tierro ay nanaig kina Badrakh Munkhbaatar, 6-3, 6-2, at Erdenebayar Duurenayar, 6-4, 6-2, sa singles, ha­bang sina Gonzales at Treat Huey ay may 6-0, 6-0 dominasyon kina Oyunbat Baatar at Sukhjargal Sukhbaatar sa doubles.

Ang mga tagumpay na ito ang naging pakonsuwelo matapos malaglag ang ina­asahang magbibigay ng ka­u­na-unahang medalya sa Pilipinas na si weightlifter Nestor Colonia sa men’s 56-kilogram division.

Umabot ang kaba sa dib­dib ni Colonia at hindi na­gawang buhatin ang 120-kg bar sa tatlong attempt sa snatch para ma-DNF sa kompetisyon ginawa sa Moonlight Festival Garden

Ang mga trap shooters na sina Hagen Alexander To­pacio at Eric Ang ay wala rin sa target, habang ang tatlong rowers na sumalang ay bumagsak sa repechage.

Nalagay si Topacio sa ika-33rd puwesto sa 65 pun­tos matapos ang tatlong rounds (22-21-22) at si Ang ay nasa mas masamang 40th place sa 63 puntos (21-21-21).

Ang Sydney Olympian na si Tolentino ay naorasan ng  pitong minuto, 37.05 se­gundo sa 2,000m. pero sa­­pat lamang ito para sa ika­apat na puwesto sa single sculls, habang ang magka­tu­wang na sina Nestor Cor­dova at Edgar Ilas ay may 6:54.52 tiyempo para sa pa­­ngatlong puwesto.

ANG SYDNEY OLYMPIAN

ASIAN GAMES

BADRAKH MUNKHBAATAR

DIVINE WALLY

EDGAR ILAS

ERDENEBAYAR DUURENAYAR

ERIC ANG

HAGEN ALEXANDER TO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with