^

PSN Palaro

Coveta babandera sa Team Phl sa opening ceremonies ng Asiad

Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea-- Na­­tauhan na si Geylord Co­­veta mula sa kanyang pagkaka­hirang bilang Philippine flag bearer para sa parada sa pagsisimula ng 17th Asian Games dito.

Si Coveta ang magi­ging isa sa dalawang Filipi­no world champions na ma­ngunguna sa martsa na kabibilangan ni Chief of Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Ricardo ‘Ritchie’ Garcia at ilang atleta at opisyales ng POC-PSC Asian Games Task Force.

Dadalhin ni Coveta, na­kamit ang RS: One World Championship ng wind­surfing noong 2012 sa Boracay, ang watawat ka­sunod ang delegasyon na isang karangalan na gu­mulat sa kanya.

“Ako po, flag bearer?” ang reaksyon ni Coveta ma­tapos ibalita ni Garcia ang pag-atras ni basketball pla­yer Japeth Aguilar na na­katakdang dumating dito bukas kasabay ang Gilas Pi­lipinas.

Nauna nang tinanggap ni Aguilar ang pagiging flag bearer ngunit sasama pa la­mang ang Gilas Pilipinas sa Asiad Team isang araw matapos ang opening ce­remonies.

“Hindi po ako makapaniwala noong ibinigay sa akin ang karangalan para sa bayan,” wika ng 33-an­yos na si Coveta, nahikayat sumabak sa windsurfing ng mga dating national ath­letes na nagsasanay sa beaches sa Anilao.

“Nagustuhan ko lang si­la nu’ng pinapanood ko s­ila sa training. Sumali na agad ako nu’ng kinausap nila ako,” wika ni Coveta, makikita sa aksyon kasama ang tatlong sailors sa Setyembre 24 sa Wangsan Sailing Marina.

Si Josie Gabuco, ang world women’s boxing champion, ang tanging Fi­lipino athlete na nasa ka­libre ni Coveta.

Ang flyweight na si Ga­buco, kasama si lightweight Nesthyn Petecio ang babandera sa bansa sa boxing events na magsi­simula sa Setyembre 24 sa Anyang Hogye Stadium.

Sina veteran internatio­nal campaigners Mark An­thony Barriga (light flyweight) at Charly Suarez (lightweight), ay sasabak din sa kanilang mga events.

Pinamunuan ni Garcia ang Philippine delegation sa flag raising ceremony sa Athletes’ Village Flag Plaza matapos ang mga Middle Easten countries na Syria at Qatar.

Ang Pilipinas ay may ka­­buuang 150 atleta na sa­­sabak sa 27 sports.

“We are now officially part of the Games. Some of our athletes are here and have started training in their respective training and competition venues,” sa­bi ni Garcia.

“No team will slacken until we have achieved our goals in these Games.”

Hangad ng bansa na ma­lampasan ang nakuhang 3 gold, 4 silver at 9 bronze medals sa Guangzhou, China noong 2010.

“Our faith in this team, composed mostly of young Filipino sports achievers and a smattering of vete­rans for leadership, is firm. This is a team that has po­tential based on their cre­dentials,” dagdag pa ni Gar­cia.

Ang mga koponan ng bansa sa swimming, wu­shu, lawn tennis, shooting, gymnastics, sailing, judo, weightlifting at bowling ang mga naunang grupong du­mating dito.

Mapapanood nila ang opening ceremonies na inihanda ng Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC), ang punung-abala sa quadrennial event sa ilalim ng ge­neral theme na: “Dream of 4.5 Billion People, Unified Asia.”

Itatampok sa ope­ning ceremonies ang mga at­leta sa ilalim ng temang: “Meet the Future of Asia” sa pamamagitan ng video presentations na magta­tampok sa kontribusyon ng Korea sa sports.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ang Korea ang mamamahala sa Asiad matapos noong 2002 Busan Asian Games.

 

ANG PILIPINAS

ANYANG HOGYE STADIUM

ASIAD TEAM

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES TASK FORCE

BILLION PEOPLE

COVETA

GARCIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with