Olympian makakasama ni Manny sa training
MANILA, Philippines - Isang American Olympian ang makakasabay ni Manny Pacquiao sa kanyang pagsasanay sa Pilipinas.
Nakatakdang dumating si Jose Ramirez, kumampanya noong 2012 Olympic Games, para samahan sa training camp si Pacquiao.
Si Ramirez ay sinasanay ni chief trainer Freddie Roach.
“It’s another step in a career, another experience that motivates me to believe in myself more and believe that I can become a world champion because opportunities likes this aren’t given to just anybody,” sabi ni Ramirez.
Lalabanan ni Pacquiao si American challenger Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
Pinaghahandaan naman ni Ramirez (11-0-0, 8 KOs) ang kanyang laban sa Oktubre 25 sa Fresno, USA.
Wala pang pinapangalanang kalaban si Ramirez.
Sinabi ni Ramirez na hindi pagbabakasyon ang kanyang pupuntahan sa Pilipinas.
“My main focus is to get Pacquiao ready, to give him the best workout that I can give him,” wika ni Ramirez.
Umaasa si Ramirez na makakatulong siya para sa preparasyon ni Pacquiao.
“He will undoubtedly need to travel overseas to fight as a professional, and this provides him a taste of what’s to come, for example dealing with fatigue, different time zones and jet lag,” sabi naman ni Armando Mancinas, ang longtime trainer ni Ramirez. (RCadayona)
- Latest