Pinas hahataw uli sa AYG U17
MANILA, Philippines – Matapos ang anim na taong pagkawala, magbabalik ang Pilipinas sa Asian Youth Girls U-17 Championship hangad ang disenteng pagtatapos na gagawin sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
May 14 na manlalaro ang hinuhubog ngayon ni national coach Jerry Yee na nakuha matapos ang tryouts na inorganisa ng Philippine Volleyball Federation (PVF).
Pakay nila ang higitan ang 11th place pagtatapos noong 2008 na ginawa sa Manila.
Ang kompetisyon ay gagawin mula Oktubre 11 hanggang 13 at 13 koponan ang maglalaban-laban para sa unang dalawang puwesto na aabante sa FIVB World Championship sa 2015.
Hinati ang mga kasali sa apat na pool at ang Pilipinas ay nasa Pool C kasama ng China, India at Australia. Kailangang tumapos ang bansa sa unang dalawang puwesto para umabot sa knockout quarterfinals.
Ang negosyanteng si Mariano Sy Diet na siyang sumagot sa P2.5 milyon na gastusin ng koponan na binubuo ng mga manlalarong sina Ezra Gyra Barroga, Rica Diolan, Justine Dorog, Christine Dianne Francisco, Ejiya Laure, Maristela Geen Layug, Kristine Magallanes, Nicole Anne Magsarile, Maria Lina Isabel Molde, Jasmine Nabor, Faith Janine Shirley Nisperos, Roselyn Rosier, Alyssa Marie Teope, at Catlin Viray. (AT)
- Latest