^

PSN Palaro

Nutrition program susi ng NU Pep Squad sa tagumpay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lamang ang mga atletang nasa iba’t-ibang palakasan ang nanganga­ilangan ng sports nutrition kundi pati ang mga manla­laro sa cheerleading.

Ito ang ibinahagi ng pa­munuan ng National Uni­versity Pep Squad na isa sa malaking dahilan kung bakit nagawa nila ang  maka-back-to-back sa UAAP Cheerdance Competition noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay sports nutri­tionist Glena Grace Estrera, alaga ang manlalaro ng mga bitamina at gatas dahilan kung bakit kahit ang mga manlalaro na nagkaroon ng injuries ay nakapag-perform pa.

“Kung may isang milyon ay ganoon ang halaga ng ginagastos para sa sports nutrition ng mga bata. Hindi kasi pare-pareho ang pagkain nila dahil sa kanilang kultura kaya’t kailangang bawiin ito sa mga bitamina at iba pang supplements,” wika ni Estrera na nanilbihan din sa Philippine Sports Commission (PSC) noong si Sonny Rose Orbeta ang namumuno sa Philippine Center for Sports Medicine.

Sa all-out na suporta  ni team manager Macario Gaw Jr. ay naibigay ang lahat ng pangangailangan ng koponan para mangyari ang inaasam na tagumpay.

“Bilang kanilang supporter, proud na proud ako sa kanila dahil matagal nang walang nakaka-back-to-back sa kompetisyong ito. Pinatunayan lamang nila na hindi nasayang ang lahat ng kanilang paghihirap,” wika ni Gaw.

Ang hamon ngayon para sa koponang hinuhubog ni coach Ghicka Ber­nabe ay kung paano paaabutin sa three-peat ang kanilang pagdodomina sa liga.

Mahirap ito dahil 14 sa 30 regular members ng koponan ay mawawala na dahil sa graduation. (AT)

CHEERDANCE COMPETITION

GHICKA BER

GLENA GRACE ESTRERA

MACARIO GAW JR.

NATIONAL UNI

PEP SQUAD

PHILIPPINE CENTER

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with