^

PSN Palaro

La Salle itinulak ang playoff vs FEU: Top seed ang Ateneo

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

1 p.m. UAAP Cheerdance Competiton
 

MANILA, Philippines - Bumangon mula sa 19 puntos pagkalubog sa hu­ling yugto ang Ateneo tungo sa 68-64 overtime panalo sa FEU at angkinin ang unang puwesto at twice-to-beat advantage sa 77th UAAP men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

May 12 puntos sa ika­apat na yugto si Kiefer Ravena para tulungan ang Eagles na gumawa ng 33 puntos at maihirit ang 59-all iskor sa regulation.

Hindi na nagpaawat pa ang tropa ni coach Bo Perasol na binuksan ang overtime sa 7-2 palitan bago sinandalan ang depensa at hindi na paba­ngunin pa ang Tamaraws.

Tumapos si Ravena taglay ang 23 puntos, si Chris Newsome ay may 13 habang si Alfonso Gotladera ay may siyam na puntos at walo rito ay kanyang kinamada sa huling yugto at overtime.

Ito ang ika-11 panalo sa 14 na laro ng Eagles para kunin ang unang puwesto at ang mahalagang twice-to-beat advantage sa Final Four laban sa  pang-apat na koponan sa pagtatapos ng eliminasyon.

Bumaba ang Tamaraws sa 10-4 baraha at sinayang ng koponan ang pagkakataon na manalo sa regulation nang naisablay ni Michael Tolomia ang da­lawang free throws sa huling 2.8 segundo.

Itinodo ng nagdedepensang kampeon La Salle Green Archers ang kanilang lakas sa second half para pataubin ang National University Bulldogs, 68-56, at makatabla ang FEU sa ikalawang puwesto sa 10-4 baraha sa huling laro.

Ang dalawang kopo­nang ito ang siya ring mag­lalaban sa Final Four na magiging best-of-three series dahil paglalabanan ng FEU at La Salle kung sino ang magkakaroon ng twice-to-beat advantage.

sAng Bulldogs ay tumapos sa 9-5 baraha at hihintayin nila ang resulta ng laro ng UE at UST para malaman kung dadaan pa ba sila o hindi sa playoff para makaabante sa semis.

AdMU 68 – Ravena 23, Newsome 13, Gotladera 9, Pessumal 7, Capacio 6, Babilonia 5, Elorde 3, V. Tolentino 2, A. Tolentino 0, Doliguez 0.

FEU 64 – Belo 16, Pogoy 15, Tolomia 10, Cruz 8, Hargrove 8, Inigo 3, Jose 2, De­nison 2, Tamsi 0, Lee Yu 0.

Quarterscores: 7-12, 18-25, 26-45, 59-59, 68-64.

DLSU 68 – Vosotros 15, Van Opstal 14, Torres 13, Teng 9, Perkins 8, Montalbo 5, Sargent 4, Bolick 0, Mustre 0, Rivero 0, Tratter 0.

NU 56 – Alolino 18, Rosario 14, Aroga 8, Javelona 8, Betayene 4, Khobuntin 4, Celda 0, Diputado 0, Perez 0.

Quartercores: 20-17, 31-31, 49-43, 68-56.

ALFONSO GOTLADERA

BO PERASOL

CHEERDANCE COMPETITON

CHRIS NEWSOME

FINAL FOUR

KIEFER RAVENA

LA SALLE

LA SALLE GREEN ARCHERS

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with