^

PSN Palaro

UE palaban pa sa F4

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado

(Smart Araneta

Coliseum)

2 p.m. Ateneo vs FEU

5:30 p.m. La Salle vs NU

 

MANILA, Philippines - Bagama’t naisuko ang itinayong 15-point lead sa first half ay nakabalik sa porma ang Red Warriors para palakasin ang kanilang pag-asa sa No. 4 berth sa Final Four.

Bumangon mula sa 10-point deficit sa final canto,  tinalo ng University of the East ang nagdedepensang De La Salle University, 68-66, sa likod ng 21 points ni Bong Galanza at 14 ni guard Roi Sumang sa second round ng 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ikalawang laro, pinitas ng National University ang isang playoff tiket matapos gibain ang sibak nang University of Sto. Tomas, 75-64, para makatabla ang La Salle sa magkatulad nilang 9-4 record.

Tumipa si guard Gelo Alolino ng 14 points para sa panalo ng Bulldogs kontra sa Tigers.

Sa kanila namang 8-5 record ay kailangang talunin ng UE ang UST sa Set­yem­bre 16 para makasikwat ng playoff sa No. 4 seat sa Final Four.

“I think it was a character game for us,” sabi ni head coach Derrick Pumaren sa kanyang Red Warriors na nagtala ng 36-21 abante mula sa basket ni Galanza sa huling 55 segundo sa second period.

Bumalikwas ang Archers sa third quarter para makalapit sa 39-43 agwat at tuluyan nang iposte ang 10-point advantage, 61-51, sa hu­ling 4:01 minuto sa final canto.

Nagtuwang sina Ga-lanza, Sumang, Sierra Leo­ne  import Charles Mamie at Dan Alberto para ibigay sa UE ang 67-63 bentahe sa natitirang 19 segundo.

Pinamunuan ni Jeron Teng ang La Salle sa kanyang 23 markers, habang may 11 si Almond Vosotros.

UE 68--Galanza 21, Sumang 14, Javier 8, Alberto 6, Jumao-as 6, Mammie 4, Arafat 3, Varilla 2, De Leon 2, Palma 2, Guiang 0, Olayon 0.

La Salle 66--Teng 23, Vosotros 11, Sargent 10, N. Torres 7, Rivero 7, Montalbo 6, Van Opstal 2, Perkins 0.

Quarterscores: 15-13; 36-22; 43-39; 68-66.

NU 75 – Alolino 14, Celda 13, Khobuntin 12, Javelona 11, Rosario 10, Diputado 5, Betayene 4, Aroga 4, Perez 2, Alejandro 0, Atangan 0.

UST 64 – Abdul 15, Daquioag 13, Subido 11, Mariano 9, Vigil 7, Sherif 4, Lao 3, Pe 2, Basibas 0, Lo 0.

Quarterscores: 18-19, 40-37, 58-54, 75-64.

ALMOND VOSOTROS

BONG GALANZA

CHARLES MAMIE

DAN ALBERTO

DE LA SALLE UNIVERSITY

DE LEON

FINAL FOUR

LA SALLE

RED WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with