^

PSN Palaro

Mayweather itinangging maaaring makalaban si Pacquiao sa 2015

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. na gumugulong na ang negosasyon para sa paghaharap nila ni eight-division champion Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Sinabi ni Mayweather na walang pag-uusap mula sa dalawang panig para mailatag ang sinasabing isa sa makasaysayang laban sa boksing.

Dagdag niya na sinasabi lamang ito ni Pacquiao at ni Top Rank Promotions Chief Bob Arum upang kumita ang laban ng Pinoy kay Chris Algieri sa Nobyembre.

"Not true," pagtanggi ni Mayweather sa kanyang panayam kay Dan Rafael ng ESPN.com

"I can't say what the future holds, but Arum and Pacquiao is trying to sell tickets for the (fight with the) guy named (Chris) Algieri. Trying to sell tickets for that fight. I don't know where they fighting, I don't know anything about what Top Rank is doing."

Samantala, plano ni Mayweather na magretiro na sa boksing sa susunod na taon.

"I only got two more fights left (after Saturday) and after the next two fights I just want to build the Mayweather Promotions brand,” wika ng Amerikano.

"My next fight is in May and my last fight is in September, so a year from now will be my last fight.”

Bago mangyari ito ay magsusubukan muna silang muli ni Marcos Maidana sa Linggo kung saan plano niyang panatilihin ang kanyang malinis na 46-0 win-loss card.

"As of right now, my focus is on Maidana. I can't focus on the other two fights after that. I have to focus on Maidana. After that we can't say who's the next two are going to be but I'm pretty sure the next two will be exciting fights," sabi ni Mayweather.

Nanalo si Mayweather sa unang pagkakataon sa majority decision ng mga hurado.

ARUM AND PACQUIAO

CHRIS ALGIERI

DAN RAFAEL

FLOYD MAYWEATHER JR.

MAIDANA

MARCOS MAIDANA

MAYWEATHER

MAYWEATHER PROMOTIONS

TOP RANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with