^

PSN Palaro

Pacquiao sisimulan ang training next week

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa loob ng dalawang linggo ay nakasama ni Manny Pacquiao si American boxer Chris Algieri sa kanilang media tour.

Walang masamang bagay na sinabi ang Filipino world eight-division champion sa bagong World Boxing Organization (WBO) light welterweight titlist.

At hindi rin natatakot ang 5-foot-6 na si Pacquiao na labanan ang isang 5’10 na si Algieri sa kanyang pagdedepensa sa suot na WBO welterweight crown sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

“Matangkad, parang (Antonio) Margarito. Advantage siya doon, pero sanay naman tayo lumaban ng mataas,” wika ni Pacquiao.

Bumalik na sa bansa ang Sarangani Congressman matapos ang kanilang two-week, 27,000-mile media tour ni Algieri para sa promosyon ng kanilang laban.

Sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino Terminal 2 ng alas-3:48 ng madaling-araw ay sinabi ni Pacquiao na kaagad siyang uuwi sa General Santos City.

Sa susunod na linggo ay sisimulan na ni Pacquiao ang kanyang pagsasanay para paghandaan ang ka­nilang upakan ni Algieri.

Ipagtatanggol ni Pacquiao ang kanyang hawak na WBO welterweight crown laban kay Agieri, tinalo si Ruslan Provodnikov via split decision noong Hunyo para angkinin ang WBO light welterweight belt.

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

GENERAL SANTOS CITY

NINOY AQUINO TERMINAL

PACQUIAO

RUSLAN PROVODNIKOV

SARANGANI CONGRESSMAN

WORLD BOXING ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with