^

PSN Palaro

No ID, No Entry!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nangyari na ang kinatatakutan.

Hindi pinayagan ng mga organizers ng paparating na Asian Games sa Incheon, South Korea, na makalaro si Andray Blatche para sa Gilas Pilipinas.

Naturalized player si Blatche. Isang Amerikano na nabigyan ng papeles na Pinoy nung Hunyo lamang.

Nakalaro naman siya sa FIBA World Cup sa Spain at maganda ang pinakita niya. Kung makakalaro siya sa Asian Games, maganda ang tsansa ng Pilipinas.

Pero iba ang rules ng Asian Games at ng Olympic Council of Asia sa rules ng FIBA.

Sa Asian Games, kailangan mo ng three-year residency para makalaro ang isang naturalized player sa Asian Games. Ibig sabihin, dapat ay naninirahan na si Blatche ng tatlong taon sa Pinas.

Kaso nga, dehins.

Wala pa nga yatang isang linggo ang itinagal ni Blatche sa una at kaisa-isa niyang pagbisita sa Pilipinas matapos niyang makuha ang papeles niya.

Kaya ayaw ng mga Koreano sa kanya.

No ID, no entry, ika nga.

Pero ayaw pumayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas. Kakausapin daw nila ulit ang OCA bukas sa Incheon para ipilit na makalaro si Blatche.

Kung hindi, puwede naman pumasok si Marcus Douthit na mukhang may clearance na mula sa OCA dahil lampas tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas. Isa rin siyang naturalized na Pinoy.

Kaso nga, nakatodo na ang taya ng SBP kay Blatche.

Kaya kung hindi  raw siya mapapayagan, iniisip din ng SBP na ‘wag na lang ipadala ang Gilas sa Asian Games.

Hindi naman daw boycott. Withdrawal lang.

Pareho rin yun.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

ASIAN GAMES

GILAS PILIPINAS

INCHEON

ISANG AMERIKANO

KASO

KAYA

MARCUS DOUTHIT

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with