^

PSN Palaro

Sagupaan sa Maynila dinumog ng mga MMA artists

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinumog ng mga sports enthusiasts, partikular ang Mixed Martial Arts at Pinoy Kick­boxing sa bansa, ang Sa­gupaan sa Maynila na idi­naos sa Human Energy Gym sa YMCA, Ermita.

Ang Sagupaan  ay inorganisa nina David Layosa at Master Instructor Barry Agpoon at nilahukan ng iba’t-ibang gym instructors sa Metro Manila.

Dumalo sa pagbubukas ng Sagupaan si taek­wondo champion at konse­hal Ali Atienza, habang na­nood naman mula sa si­mula hanggang matapos si konsehal Philip Lacuna.

Ang mga sumabak at nag­wagi sa sagupaan ay si­na Randel Parinas, lady fighter Cahea Castillo, Ge­rald de Jesus, Arjay  Asuncion, Jojie Veloro, Wayne Mag­calas, Johny Blanca, Jo­nar Lagasca, Mark Tura at Alvin Quirona at ang da­­lawang makapigil hini­ngang main event na sina pro­fessional kickboxing at karatedo fighter Junifer Kim­mayong at Charles Ag­poon.

Kapwa umiskor sina Kim­mayong at Agpoon ng Referee-Stopped-Contest (RSC) win matapos nilang pagbagsakin ang kanilang mga nakalaban.

Ayon kay Master Barry at Layosa, ang Sagupaan ay may layuning mapating­kad pa ang  kaalaman at ka­halagaan ng pagiging bi­hasa sa martial arts para mai­pagtanggol ang kapwa at sarili sa oras ng panga­ngailangan laban sa mga ma­sasamang elemento.

Ang Human Energy Gym ay dinarayo ngayon ng maraming estudyente na mahilig sa Muaythai, Kick­boxing,  Boxing, Hand to Hand Combat, Karate­do, Knife Fighting at Body Buil­ding dahil sa malinis na pasilidad, kumpleto ng ka­gamitan, magagaling at di­siplinadong mga instructors.

ALI ATIENZA

ALVIN QUIRONA

ANG HUMAN ENERGY GYM

ANG SAGUPAAN

BODY BUIL

CAHEA CASTILLO

CHARLES AG

DAVID LAYOSA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with