^

PSN Palaro

Tamaraws giba sa Red Warriors

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kumawala ang Red Warriors sa fourth quarter para palakasin ang kanilang tsansa sa playoff sa Final Four.

Diniskaril ng University of the East ang hangad ng Far Eastern University na makamit ang ‘twice-to-beat’ ad­vantage matapos kunin ang 94-71 panalo sa second round ng 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Co­liseum.

Ang kabiguan ang nagtabla sa FEU at Ateneo De Ma­nila University sa liderato sa magkapareho nilang 10-3 kartada kasunod ang nagdedepensang De La Salle University (9-3), National University (8-4), University of the East (7-5) at mga sibak nang University of Sto. Tomas (5-7), University of the Philippines (1-12) at Adamson Uni­­versity (0-13).

Mula sa 64-64 pagkakatabla sa pagsisimula ng fourth period ay kumamada ang Red Warriors ng 26-0 atake sa likod nina guard Roi Sumang, Bong Galanza at Sierra Leone import Charles Mammie kontra sa Tamaraws pa­tungo sa pagpoposte ng 90-64 kalamangan sa huling 2:56 minuto sa laro.

At mula rito ay hindi na nilingon ng UE ang FEU para sa kanilang pang-pitong panalo sa 12 asignatura.

Tumapos si Galanza na may 26 points kasunod ang 18 ni Mammie para sa Red Warriors.

Sa unang laro, lumapit sa pagsikwat sa playoff para sa Final Four ang NU matapos talunin ang UP, 66-51.

Kumolekta si import Alfred Aroga ng 18 points at 10 rebounds para sa pang-walong panalo ng Bulldogs kasabay ng pagpapatalsik sa Tigers.

“Ang goal lang namin is to at least win the games that we can win in order to qualify,” sabi ni Bulldogs’ mentor Eric Altamirano.

Kinuha ng Bulldogs ang 29-17 abante sa halftime ka­sunod ang slam dunk ni Aroga kay Mark Juruena sa third quarter kung saan nila itinala ang 43-25 kalamangan.

ADAMSON UNI

ALFRED AROGA

ATENEO DE MA

BONG GALANZA

CHARLES MAMMIE

FINAL FOUR

RED WARRIORS

UNIVERSITY

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with