^

PSN Palaro

CEU, St. Clare namayani

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang pananalasa ng nagdedepensang Centro Escolar University at host St. Claire College of Caloocan nang nagwagi sa hiwalay na laro ng 14th NAASCU men’s bas­ketball noong Biyernes sa Makati Coliseum.

Gumana agad ang laro ng Scorpions tungo sa madaling 93-59 panalo sa Rizal Technological University Thunder para sa kanilang ika-10 sunod na panalo.

Lumayo agad  ang Scorpions sa 25-10 matapos lamang ang unang yugto para manatiling lider  sa liga.

Si Samboy de Leon ay naghatid ng 17 puntos para sa Scorpions.

Sumandal ang Saints sa mainit na paglalaro nina Jam Jamito para sa 60-55 tagumpay sa Our Lady of Fatima University Phoenix.

May 16 puntos at 14 rebound si Jamito at siya ang umako sa huling limang puntos ng St. Claire matapos makatabla ang Phoenix sa 55-all.

Ito ang ika-siyam na su­nod na panalo ng Saints sa 10 laro para manatiling nakadikit sa Scorpions.

BIYERNES

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

JAM JAMITO

MAKATI COLISEUM

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY PHOENIX

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY THUNDER

SI SAMBOY

ST. CLAIRE

ST. CLAIRE COLLEGE OF CALOOCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with