^

PSN Palaro

Blatche may pag-asa pa sa Incheon

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumibay ang paghahabol ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para makalaro si natura­lized NBA center Andray Blatche sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Ito ay matapos ang pagliham ni international basketball body (FIBA) secretary general Patrick Baumann sa pamunuan ng Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) na nagsasaad na ang naturang samahan ang siyang may pinal na desis­yon patungkol sa eligibility ng isang basketball player.

Ang nasabing liham ay para kina Kwon Kyungsang, Jo Youngha at Mun Hosung, ang IAGOC secretary general, director general at director sports entries, ayon sa pagkakasunod.

“We would like to inform you that the International Basketball Federation establishes the eligibility criteria for all basketball athletes worldwide for the purpose of their participation in the national team competitions in official basketball competitions organized by or sanctioned by FIBA,” ani Baumann sa kanyang liham.

Nababahala ang FIBA dahil ang 6’11 na si Blatche ay naglaro sa idinaraos na FIBA World Cup at ang deklarasyon ng IAGOC na ineligible player ito sa Asian Games ay magdudulot lamang ng kaguluhan.

Dahil dito, hiniling pa ni Baumann sa IAGOC na baguhin ang desisyon kay Blatche.

Ang pagpasok ni Blat­che ay tiyak na magpapa­tibay sa tsansa ng Natio­nal team para sa gintong medalya sa pinaka-popular ng sports sa Pilipinas.

Ang FIBA ang ikalawang international body na naglabas ng desisyon patungkol sa eligibility sa Asian Games matapos ang International Tennis Federation.

Dahil sa paghayag ng ITF na sila ang namamahala sa eligibility scree­ning ng mga tenista, kaya’t makakalaro para sa National team si Fil-German Katharina Lehnert.

ANDRAY BLATCHE

ASIAN GAMES

BAUMANN

DAHIL

FIL-GERMAN KATHARINA LEHNERT

INCHEON ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION

JO YOUNGHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with