^

PSN Palaro

Moreno tumanggap sa PSC ng P2.5M

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mataas ang paniniwala ng pamahalaan na muling maipapakita ng mga atletang ipadadala sa Asian Games  ang kanilang  pagiging world class athlete sa paghatid uli ng karangalan sa bansa.

Sa mensahe ni Pangulang Benigno Aquino III na binasa ni Jose Rene Almendras sa send-off kahapon sa Philsports Arena, binanggit ang mga panalo na nakuha ng mga naunang atleta na nangyari dahil sa kanilang disiplina at puso.

“Sports is not only about physical and mental ability of the athletes, it is all about discipline and heart,” wika ni Almendras.

Mahalaga rin ang suporta na ibinigay ng PSC at POC habang ipinaalala rin ng speaker ang 100 milyon Filipino na nananalangin sa kanilamg ikatatagumpay.

Nagbigay ningning pa sa seremonya ang paggawad ng P2.5 milyon insentibo kay Luis Gabriel Moreno matapos bigyan ng ginto ang Pilipinas sa Youth Olympic Games sa Nanjing China sa larangan ng Mixed International event sa archery.

Nasungkit ni Moreno ang naturang ginto matapos makipagtambal sa Chinese archer na si Li Jiaman.

Nananalig sina PSC chairman at Chief of Mission Ricardo Garcia at POC president Jose Cojuangco Jr. na magsisilbing inspirasyon sa mga atleta ang nakuhang insentibo ni Moreno para magpursigi sa Asiad.

 

vuukle comment

ASIAN GAMES

CHIEF OF MISSION RICARDO GARCIA

JOSE COJUANGCO JR.

JOSE RENE ALMENDRAS

LI JIAMAN

LUIS GABRIEL MORENO

MIXED INTERNATIONAL

MORENO

NANJING CHINA

PANGULANG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with