^

PSN Palaro

5-ginto, 3 pilak at 3 tanso ang sinikwat sa Poland Dragon boat team may insentibo sa PSC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umagos ang luha sa mga kasapi ng dragon boat team nang bigyan ng mainit na pagsalubong sa pagbalik sa bansa matapos umani ng limang gintong medalya sa sinalihang ICF World Dragon Boat Championships sa Poznan, Poland.

Sina PSC commissioner Salvador “Buddy” Andrada at Philippine Canoe-Kayak Federation president at POC board member Jonne Go ang nangunang opisyal sa mga sumalubong sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Martes ng hapon.

“Masaya lang ako para sa mga bata kasi mahirap ang pinagdaanan nila. Marami ang hindi naniwala sa kanila pero napatunayan nila na kaya nila kahit maliliit sila,” wika ni Dutchess Co na assistant coach sa women’s dragon boat team.

Karamihan sa mga ipinadala ay edad 17-anyos pero lumabas ang puso ng mga paddlers para hiyain ang hamon ng ibang katunggali tungo sa limang ginto, tatlong pilak at tatlong bronze medals.

Tinuran ni Go na napatunayan ng tagumpay na ito na puwedeng kuminang ang mga manlalaro sa canoe-kayak sa dragon boat dahil iisa lamang halos ang training ng mga ito.

Kasama sa Pambansang koponan ay si Hermie Ma­caranas, ang natatanging lahok ng PCKF sa Incheon Asian Games at may kumpiyansa siya na makakatulong ang nakuhang karanasan para mabigyan ng magandang laban ang mga makakasagupa.

Sa panig ni Andrada ay pinasalamatan niya ang mga paddlers sa karangalang ibinigay sa bansa at nangakong may matatanggap na insentibo mula sa PSC.

Tumulong ang PSC sa pagsali ng koponan sa pagpa­palabas ng P3 milyon pondo.

Kahit ang House of Representatives ay nagpalabas ng House Resolution No. 1447 na bumabati sa ta­gum­pay na naabot ng paddlers. (ATan)

ANDRADA

DRAGON BOAT CHAMPIONSHIPS

DUTCHESS CO

HERMIE MA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE RESOLUTION NO

INCHEON ASIAN GAMES

JONNE GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with