^

PSN Palaro

Rivera, Gabuco at Coveta babandera sa kampanya ng Pinas sa Asian Games

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan nina 2010 Asian Games gold medalist Engelberto Rivera at World champions Geylord Coveta at Josie Gabuco ang 150 Pambansang atleta na maghahangad ng tagumpay sa 16th Asian Games sa Incheon, Korea.

Sasali ang Pilipinas sa 26 sa 36 sports na paglalabanan at ang delegasyon ay katatampukan ng 99 kalalakihan at 51 kababaihang atleta. Mayroon ding 55 coaches/technical officials para sa kabuuang 205 bilang.

Si Rivera na isa ring World Tenpin Bowling champion noong 2006, ang natatanging gold medalist noong 2010 na babalik sa kompetisyon.

Tatlong ginto ang napanalunan ng bansa noong 2010 pero sina Dennis Orcollo ng billiards at Rey Saludar ng boxing ay hindi kasama dahil ang bilyar ay inalis sa edisyong ito habang may shoulder injury si Saludar.

Inaasahang palaban sa ginto sa Incheon sina Coveta at Gabuco dahil hinirang sila bilang world champions sa wind surfing at women’s boxing.

Ang iba pang atleta na nanalo ng medalya sa Guangzhou edition na kasama uli ay sina bowler Frederick Ong at mga taek­wondo jins John Paul Li­zardo at Kirstie Elaine Alora na pawang humakot ng bronze medals.

Ang bowling at taek­wondo ay binanggit ni PSC chairman at Asian Games Chief of Mission Ricardo Garcia na inaasahan niyang magbibigay pa rin ng gintong medalya sa Incheon.

Para gumanda ang kanilang tsansa sa tagum­pay, ang boxing at taek­wondo ang may pinakama­laking bilang ng atleta sa tig-12 manlalaro (anim na lalaki at anim na babae).

Ang center-piece event na athletics ang may pa­nga­lawang pinakamala­king bilang sa siyam na atleta sa pangunguna ng natata­n­ging lady athlete, ang two-time Olympian na si Marestella Torres.

Ang iba ang sports at bilang ng atletang ilalaban ng Pilipinas ay archery (7), boxing (8), canoe-kayak (1), cycling (4) equestrian (4), fencing (2), golf (7), gymnastics (1), judo (2), karatedo (6), rowing (5), sailing/surfing (4), shooting (2), swimming (3), tennis (5), soft tennis (3), triathlon (5), weightlifting (1), wrest­ling (2) at wushu (6).

Sasali pa ang Pilipinas sa team sports na basketball (12), softball (15) at rugby (12). (ATan)

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES CHIEF OF MISSION RICARDO GARCIA

DENNIS ORCOLLO

ENGELBERTO RIVERA

FREDERICK ONG

GEYLORD COVETA

INCHEON

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with