Jawo pinalakas ang loob ng Gilas team
SEVILLE, Spain-- Ang text message ay nagmula sa Manila at ang lider ng Philippine squad na sumabak sa 1974 FIBA World Championships, ngayon ay kilala bilang World Cup, sa Puerto Rico ay nagpalakas ng loob sa Gilas team na kumakampanya sa global tournament sa Palacio Municipal de Deportes.
Ang 68-anyos na si Robert Jaworski ay nagtala ng average na 14.3 points sa pitong laro para sa Philippines noong 1974 conclave.
Ang kanyang mga teammates ay sina Jimmy Mariano, Joy Cleofas, Tembong Melencio, Francis Arnaiz, Abet Guidaben, Ramon Fernandez, Bogs Adornado, Yoyong Martirez, Manny Paner, Dave Regullano at Big Boy Reynoso at si Tito Eduque ang kanilng coach.
Tumapos ang Philippines bilang pang-13 mula sa 14 koponan sa kanilang 2-5 record, ang kanilang mga panalo ay ang 101-100 decision sa Australia at isang 87-86 squeaker kontra sa Central African Republic.
Ang isa naman sa kanilang mga kabiguan ay ang 111-90 setback sa Argentina.
“I believe the overall team’s performance even at this stage is admirable and commendable and could go better,” sabi ni Jaworski, naglaro sa dalawang Philippine FIBA Asia championship teams noong 1967 at 1973, sa kanyang text message. (NBeltran)
- Latest