^

PSN Palaro

Moreno sa archers: ‘Gawin n’yong inspirasyon ang tagumpay ni Gabriel sa ASIAD

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang pag-angkin ni Ga­briel Moreno sa gold medal sa nakaraang Youth Olympic Games sa Nanjing, China ang inaasahang magiging inspirasyon ng mga national archers sa pagsabak sa 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Ito ang sinabi kahapon ni Philippine Archers National Network and Alliance Inc (PANNA) president Fe­derico Moreno, ang ama ng 16-anyos na si Gabriel at anak ni talk show host German ‘Kuya Germs’ Moreno.

“We are a very strong team. It’s not yet at its peak, but very motivated, very excited, and medal hopeful,” wika ni Moreno sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Sina veteran Earl Yap, Joan Tabanag, Dean Adriano, Ian Chipeco at ang nagbabalik na si Amaya Paz ang bubuo sa archery team na sasabak sa Incheon Asiad.

Sinabi ni Moreno na magsisilbing inspirasyon sa koponan ang tagumpay ni Gabriel sa Youth Olympic Games.

Nakipagtambal si Ga­briel kay Li Jiaman ng Chi­na para sungkitin ang gintong medalya sa mixed event ng Youth Olympic Games sa Nanjing.

“I think this is the start for all our athletes to believe na hindi imposibleng maka-gold sa Olympics. Basta focus ka lang,” wika ni Gabriel sa sports forum na suportado ng Shakey’s, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Sa kanyang pagsalang bilang pangulo ng PANNA ay naglatag si Moreno ng isang six-year training prog­ram.

“We’ve put in place a six-year training program, not only for the 2016 Rio de Jainero Olympics but also for the 2020 Olympics and the World Championship. Our mission is to win a gold in both Olympics and the World,” ani Moreno.

AMAYA PAZ

ASIAN GAMES

DEAN ADRIANO

EARL YAP

IAN CHIPECO

INCHEON ASIAD

JAINERO OLYMPICS

MORENO

YOUTH OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with