Pacquiao ‘di magkukumpiyansa kay Algieri
MANILA, Philippines - Marami ang nagsasabing madaling tatalunin ni Manny Pacquiao si Chris Algieri sa kabila ng pagkakaroon ng height at reach advantage ng American challenger.
Ngunit hindi nagkukumpiyansa ang Filipino world eight-division champion sa kanilang laban sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
“Our fight is going to be a good fight because Algieri likes to throw a lot of punches,” sabi ni Pacquiao. “That’s good because we can create a lot of action in the ring. I really think it’s going to be a good one.”
Ipagtatanggol ng 5-foot-6 na si Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kontra sa 5’10 na si Algieri.
Ang naturang titulo ay nabawi ni Pacquiao matapos resbakan si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang rematch noong Abril.
Noong 2012 ay magkasunod na natalo si Pacquiao kina Bradley at Juan Manuel Marquez kasunod ang pagdomina kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa kanilang non-title fight noong Nobyembre ng 2013 sa The Venetian.
“I always have a plan to win the fight and every fight. In the Bradley fight, you know in the first fight he was just boxing. I won the first fight. The second fight was not hard for me because I knew what I was doing,” sabi ng Sarangani Congressman.
Naitapat si Algieri kay Pacman matapos nitong agawin kay Ruslan Provodnikov, dating sparmate ni Pacquiao, ang hawak nitong WBO light welterweight belt via split decision noong Hunyo.
Dalawang beses bumagsak si Algieri bago ungusan si Provodnikov.
Nasa kasagsagan ng kanilang press tour sina Pacquiao at Algieri kung saan sila nagdaos ng mga press conference sa Macau at Shanghai, China at sa United States.
Walang anumang pormahan na nangyari sa nasabing mga media tour dahil sa kanilang respeto sa isa’t isa.
Ngunit sa pagkikita nila sa ibabaw ng boxing ring ay ang kanilang mga kamao na ang mag-uusap.
- Latest