^

PSN Palaro

Servania, Villanueva handa na sa laban sa Dubai

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi ipapahiya nina Genesis Servania at Arthur Villanueva ang kanilang boxing promoter na nagtiwala sa kanila para pagningningin ang kauna-unahang Pinoy Pride sa Dubai.

Ang nasabing boxers ang itatampok sa ‘Pinoy Pride’ sa Dubai sa Set­yembre sa Dubai World Trade Center, na siyang magsisilbing inagurasyon ng boxing card overseas ng Cebu-based ALA Promotions na suportado ng ABS-CBN.

Ito na ang ika-27th edisyon sa Pinoy Pride series at kalaban ng walang talong si Servania (24-0, 10 KOs) si Jose Cabrera (22-4, 10 KOs) ng Mexico para sa suot niyang WBO Inter-Continental super bantamweight title.

Si Villanueva (25-0, 14 KOs) ay makikipagsukatan kay Nicaraguan Henry Maldonado (19-3, 14 KOs) para sa IBF International junior bantamweight title.

Ang mga laban nina Servania at Villanueva ay inilagay sa 12-rounds.

“Salamat sa pagtitiwala at mabibigyan kami ng pagkakataon na lumabas sa kauna-unahang Pinoy Pride sa labas ng Pilipinas,” wika ni Servania.

Bukod sa dalawang walang talong boksingero ay sasalang din sa aksyon ang dating world contender na si Rey “Boom Boom” Bautista na kasukatan si Juan Jose Marquez ng Me­xico sa isang 10-rounder.

 

vuukle comment

ARTHUR VILLANUEVA

BOOM BOOM

DUBAI

DUBAI WORLD TRADE CENTER

GENESIS SERVANIA

JOSE CABRERA

JUAN JOSE MARQUEZ

PINOY PRIDE

SERVANIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with