Heroes’ welcome kay Moreno Inihahanda ng komisyon
MANILA, Philippines - Ihahanda bukas ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) ang isang heroes’ welcome para kay national archer Luis Gabriel Moreno na kumuha ng kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa katatapos lang na 2nd Youth Olympic Games (YOG) sa Nanjing, China.
Sinabi ni PSC chairman Richie Garcia na nararapat lamang na bigyan ng mainit na pagsalubong ang 16-anyos na estudyante ng La Salle-Greenhills.
“It is just fitting for him to receive a heroes’ welcome. He finally ended the country’s long quest of an elusive Olympic gold medal,” sabi ni Garcia.
“We now have our first ever Olympic gold medal in the country’s sports history which came under the administration of P-Noy,” wika pa ng PSC chief na pinag-aaralan ang posibleng pagbibigay ng insentibo kay Moreno.
Sa Republic Act 9064 o “An Act granting incentives to Filipino Athletes,” hindi kasamang mabibigyan ng insentibo ang mga atletang nagwagi ng medalya sa YOG, Asian Indoor Games at sa ParaLympic Games.
Ipinaliwanag ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. na base sa ipinasang amendment sa RA 9064 ay dapat na tumanggap ng P5 milyon ang sinumang magwawagi ng gold medal sa YOG.
“But it was not approved yet,” paglilinaw naman ni Iroy.
- Latest