^

PSN Palaro

PSC bibigyan ng cash incentives si Moreno

Pilipino Star Ngayon

NANJING - Nagbaba­lak ang Philippine Sports Commission na bigyan ng insentibo si archer Luis Gabriel Moreno matapos manalo ng gintong medalya kasama ni Chinese lady archer Li Jiaman sa mixed international team event sa Youth Olympic Ga­mes sa Nanjing, China.

Hindi kasama ang YOG sa RA 9064 o Incentives Act pero puwedeng maglaan ng halaga ang PSC mula sa kanilang pondo para maging insentibo  ni Moreno.

“By law, the YOG is not covered but it is part of the amendments of the new Incentives Act which is pending in Congress,” wika ni Garcia,

“The PSC can give but it will not be a big amount,” dagdag nito.

Ang mixed international team event ay inilaro sa unang pagkakataon na kung saan pinagtatambal ang archers mula sa magkaibang bansa para maisulong din  ang pagkakaibigan.

Edad 16 si Moreno at nag-aaral sa La Salle Greenhills at siya ang lalabas bilang kauna-unahang atleta ng bansa na pinalad na manalo ng ginto sa YOG na nasa ikalawang edisyon na.

Sa Incentives Act, ang mga atletang nanalo sa SEA Games, Asian Ga­mes, Olympics at World Championships na ginagawa tu­wing apat na taon ang mga may insentibo sa pamahalaan.

Isinusulong na maam­yendahan ang RA 9064 dahil marami na ang torneong sinasalihan ng bansa at kasama rin sa nais bigyan ng insentibo ay ang mga differently abled athletes na nananalo sa Para-Games.

vuukle comment

ASIAN GA

INCENTIVES ACT

LA SALLE GREENHILLS

LI JIAMAN

LUIS GABRIEL MORENO

MORENO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SA INCENTIVES ACT

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with