La Salle, FEU itinulak ang 3-way tie sa itaas
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. Adamson vs UE
4 p.m. Ateneo vs NU
MANILA, Philippines - Kapwa umiskor ng panalo ang Green Archers at ang Tamaraws para muling makasalo ang Blue Eagles sa liderato.
Giniba ng nagdedepensang De La Salle University ang University of the Philippines, 86-65, habang tinalo ng Far Eastern University ang University of Sto. Tomas, 66-55, sa second round ng 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
May magkakatulad na 7-2 record ngayon ang Ateneo, La Salle at FEU para magsalo sa unahan.
Ito ang pang-pitong sunod na ratsada ng Green Archers matapos simulan ang torneo sa 0-2.
Umiskor si Almond Vosotros ng 21 points, tampok dito ang 5-of-8 shooting sa 3-point range, para sa panalo ng La Salle sa UP, nalasap ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan matapos wakasan ang 27-game losing slump.
Nagdagdag si Jeron Teng ng 15 markers, habang may 13 si Jason Perkins at 12 si Arnold Van Opstal para sa Green Archers.
Mula sa 44-41 abante sa third period ay nag-init ang Taft-based cagers para iwanan ang Fighting Maroons sa 68-53 papasok sa fourth quarter.
Kaagad namang kinontrol ng Tamaraws ang laro matapos kunin ang 29-9 abante sa 6:16 minuto ng second period patungo sa pagbaon sa Tigers sa 45-25 sa 9:28 minuto ng third quarter.
Nagposte ang FEU ng 25-point lead, 58-33, sa huling minuto ng naturang yugto. (Cadayona)
La Salle 86 – Vosotros 21, Teng 15, Perkins 13, Van Opstal 12, Tratter 7, Sargent 6, Montalbo 4, N. Torres 4, Bolick 2, Andrada 2.
UP 65 – Gallarza 18, Reyes 14, Moralde 11, Juruena 9, Asilum 5, Vito 2, Gingerich 2, Harris 2, Gonzales 2, Lao 0.
Quarterscores: 20-15; 40-34; 68-53; 86-65.
FEU 66 – Pogoy 19, Belo 12, Jose 8, Iñigo 8, Escoto 5, Hargrove 5, Tolomia 4, Tamsi 2, Dennison 2, Ugsang 1.
UST 55 – Abdul 24, Vigil 17, Sheriff 8, Daquiaog 4, Basibas 2, Lao 0, Lo 0.
Quarterscores: 24-7, 42-25, 59-37, 66-55.
- Latest