^

PSN Palaro

Lions, Chiefs ‘di bibitaw sa itaas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ng mag­kasalo sa liderato na San Beda Red Lions at Arellano Chiefs na buksan sa panalo ang kampan­ya sa second round sa pag­harap sa magkahiwalay na asignatura sa pagbabalik ng 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katipan ng four-time de­fending champion Red Lions ang nangungulelat na Mapua Cardinals sa alas-2 ng hapon habang ang Chiefs ay mapapa­laban sa San Sebastian Stags sa alas-4 ng hapon.

Parehong may 7-2 karta ang bataan nina coach Boyet Fernandez at Jerry Codiñera at mahalaga na makuha ang panalo upang lumayo pa sa pumapa­ngat­long host Jose Rizal University Heavy Bombers sa 6-3 karta.

Galing ang San Beda sa 53-64 pagkatalo sa kamay ng Letran Knights sa pagtatapos ng first round dahil wala ang batikang guard na si Baser Amer at center Ola Adeogun.

Si Amer ay may sakit ha­bang suspindido si Adeo­­gun dahil hindi nag-ensayo ng tatlong sunod.

“We’re starting out fresh. Ola will be playing today,” ani Fernandez na hiniritan ang Cardinals ng 89-55 panalo sa unang ikutan.

May 1-8 karta ang Cardinals at dapat ay nagawan na ni coach Fortunato Co ng paraan para mapataas ang kanilang pagpuntos at mapagtibay ang depensa.

Ang Mapua ang pa­ngalawang pinakamahinang pumuntos sa 70.8 at pinakamasamang dumepensa sa ibinibigay na 82.6 puntos.

Tinalo rin ng Chiefs ang Stags, 96-86, para ma­paborang manalo at ma­ilista rin ang ikatlong sunod na panalo kasabay ng pagpapatikim sa Baste ng kanilang ikaanim na diretsong pagkatalo.

Si Jiovani Jalalon na naghahatid ng 13.56 puntos 6 assists at 3 steals, ang huling dalawang stats ay una sa departamento, ang mangunguna sa laban ng Arellano. 

ANG MAPUA

ARELLANO CHIEFS

BASER AMER

BOYET FERNANDEZ

FORTUNATO CO

JERRY CODI

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with